Alibert & Malraux

We met at Far Eastern University during our First year second semester, tinukso tukso kami ng mga classmates namin kase—

May nagchismis napanaginipan daw ni Bert si Tix", tapos ayun naging crush na nya (Encantadia teh?), kunwari maglolocker kahit wala namang kukuning gamit si Bert, pasulyap sulyap sa locker kung saan lagi nakasalampak si Tix.

Design, last period, sa hallway ng Bldg. Tech—"May magtetext daw sayo Tix!"--Nagtext si Bert paulit ulit pero iniiwan ni Tix cellphone nya sa locker kasi pahard to get ang effek. Until umabot na ng end ng semester, nag-summer si Tix ng Physics hahahaha at nagtetext padin si Bert.

Finally! inentertain na nya yung texts ni Bert kasi nga summer na (papatutor sya---useer hahahahaha char flirt flirt lang!). Fast forward classmates ulit sila pero hindi padin sila, groupings groupings, with pag-hatid hatid na. And one of the many nights na hinatid ni Bert pauwi si Tix sa bahay, August 13, 2011 (Birthday ni Lourdes) may tinapos sila na History plate, individual yun ha pero magkasama gumawa. Nagkapaalaman na, umalis na si Bert naglakad na hanggang sa sakayan, nag-bukas ng facebook si Tix pinalitan nya na yung status nya sa facebook—”in a relationship with” (eme paefek doon sinagot!). Nagtext si Bert may nakalimutan daw! ayun nagmamadaling bumalik, from kanto palang sinalubong na sya ni Tix. May inabot na tissue si Bert kasi nakalimutan daw ni Tix pero ang totoo effek lang ulit yun kahit wala naman talaga nakalimutan para lang iconfirm yung notification sa fcaebook. Ayun tapos sila na…

College

Engagement

Engagement sa Taiwan noon October 2023,binili ko ung singsing 2 days sa ORO sa SM North before kame umalis ng Pinas, tinago ko ung singsing sa gray pouch ko which un ung pinakawallet ko that time. Nasa Taiwan na kami nagiisip na ako ng pagkakataon kung kelan at saan ako magpopropose, sakto sa October 14,2023 pupunta kame ng National Chung Cheng University kung saan nag-aral si Shan Chai saka yung F4, mga 2 hrs byahe galing sa airbnb namin. Pagdating sa University, naisip ko sa roof top mag propose kay Tix kaso sarado ung pa roof top that time so naisipan namin pumunta ng Alishan mga hapon na yun kaso nag aalangan narin kame kase wala ng bus paakyat dun tapos almost 3 hrs din paakyat pero naconvince ko naman din mga kasama namin pati si Tix na mag taxi nalang paakyat sa Alishan kaso nag aalangan nga kaya sagot ko ung kalahati ng bayad sa taxi, pagdating namin sa Alishan mga mag 5pm narin, nagdecide kami na magstay nalang at mag pa umaga sa lugar kaya pinauwi nalang namin ung taxi driver. Sobrang lamig that time sa Alishan mga 10degrees hindi kame prepared kase nga ang balak lang din talaga umuwi din at hindi mag overnight pero sayang kase ung Sunrise na Sea of Clouds na feature din ng Alishan. So bumili kami ng mga jacket at bumili ako ng pantalon since nakashorts lang ako galing Chang Chung University, medyo maulan din nung kinagabihan at sobrang lamig narin talaga so hindi nasunod na mag propose ako ng October 14 kase nga tinataon ko na number 14. Kinabukasan, October 15 gumising kame ng maaga mga around 4am para makita ung Sea of Clouds during Sunrise, nagtry kami maghike since 20mins lang sa map yun pala steep talaga ung daan saka sumasakit na din yung chan ko sa kaba sakto may bus stop at may nagtatawag na konduktor kaya nagmini bus kame paakyat, pag dating sa taas mga 5am na , sobrang lakas ng hangin at ma fog or clouds na ata un , sobrang daming tao din, so mag 6am na at mag susunrise na , syempre video video at picture picture muna para hindi halata pero sobrang kinakabahan narin ako kase balak ko na mag propose din kapag time nanamin na kami ni Tix ung pipicturan, nilagay ko ung engagement ring sa may pocket ng damit ko. Nung time nanamin na magpapicture ayun na sobra kabado posing posing, mga pang anim siguro un na posing tsaka ako lumuhod at nilabas ung singsing, ayun iyak kame parehas ni Tix and she said "Yes." Watch nyo po ung video ng engagement namin nandun ung before and after hihihihihihi….

Prenup

Isang oras lang tulog namin dito pero nagising kame ng maaga para maglakad-lakad sa Binondo-Intramuros Bridge, bumili ng pandesal sa Escolta at dumaan sa FEU kase TAMA-raw mahalin ko si Tix!❤️